Dalit Ng Paslit-Grace Nono
DOLBY 杜比全景声 下载
臻品母带 下载
臻品全景声 下载
臻品音质
HIRES Hi-Res 下载
FLAC 无损flac 百度云网盘下载
APE 无损ape 格式下载
320MP3 极高mp3 歌曲下载
128MP3 标准mp3 百度网盘下载
192OGG 较高ogg 下载
192AAC 较高aac 下载
96AAC 标准aac 百度云下载
Loading...
TXT Dalit Ng Paslit-Grace Nono 文本歌词
Dalit Ng Paslit - Grace Nono
'Tay sa isip ko lang 'to sinusulat
Sinulat ko na 'to kahapon
Pero isusulat ko uli ngayon kasi
Talagangtalaga nang
Nahihirapan na 'ko
Mula nung mamatay ka
Nang lumubog 'yung barkong
Sinakyan mo
At si nanay sumama sa
Traysikel drayber d'yan sa kanto
Naiwan ako ke Tiyo
'Di n'ya ako pinapapasok sa iskul
Sa bahay na lang daw
Kaya pala
Dadalhin niya 'yung mga kaibigan niya dito
Sa gabi
Alam mo
Maingay sila at lasing
Sabi nila 'nung unang gabi
Ba pwede na 'tong alaga mo
Lazaro
Tiningnan nila ako 'tay
Sabi laro lang
H'wag kang matatakot
Tapos tawa sila ng tawa
Lahat kami humiga
Tapos madilim
Tapos umaga na haaa
Yee aaah oooh
Yee aaah no
Yee aaah no
Hoy sabi ni Tiyo
Tayo ay pupunta ngayon sa Maynila
Magbalot ka na ng mga damit mo
Pero di ako makabangon
Tumingala lamang ako sa kisame
Nagbilang ng pako
Me kalawang ang lahat
Sa Maynila marami pang pinapasok
Si tiyong mga lalaki
Malakas tumawa
Maraming pera sa bulsa
Me mabaho meron namang mabango
Merong mataba me payat me malinis
Me katulad ni tiyong sumisinga sa sahig
Lalu nang dumalas
Ang pagtingala ko sa kisame
Pero di na 'ko makapagbilang ng pako
Kasi 'yung kisame
Naging isang salamin
Kita ko d'un lahat
Ang ginagawa namin
Sa sahig
Yeee aaah eeh aahh
'Tay magsusumbong na 'ko talaga kasi
Dal'wang taon na atsaka
Lumalaki ang salamin
Dumaraming nakikita
T'saka baka 'di na 'ko makabangon
Mabigat na mabigat na 'yung puson ko Itay
Pabigat nang pabigat 'tay
Parang buong Maynila
Nasa loob ng puson ko
Alam mo
Alam mo
Alam mo
Dalit Ng Paslit-Grace Nono 推荐歌曲
Hulagpos: Women's Poetry and Voices专辑下载
(2008-12-31)